Temporary suspension ng Bahrain sa Pinoy domestic workers binawi na – DOLE

Temporary suspension ng Bahrain sa Pinoy domestic workers binawi na – DOLE

September 15, 2020 @ 5:48 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Labor Market regulatory Authority (LRMA) ng Kingdom of Bahrain na ipinagpatuloy na nito ang recruitment ng domestic workers nitong September 14 matapos bawiin ang temporary suspension noong Marso bunsod an rin sa COVID-19 pandemic.

Ginawa ang anunsyo isang buwan matapos ang pagbalik ng issuance ng work permits ng mga dalubhasang manggagawa na ipinapadala sa ibang bansa noong Agosto 9.

Sa ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang  Philippine Overseas Labor Office sa Bahrain na mas kailangan ng employers sa Bahrain ang Filipino workers.

Sinabi ng POLO na binalaan ng LRMA ang mga nais na maging employer ng mga migrant domestic worker na huwag tumanggap ng domestic workers mula sa mga hindi lisensyadong employment offices.

Ito ay upang matiyak na ang mga hakbang sa pagpapagaan laban sa pagkalat ng COVID-19 ay mahigpit na sinusunod at ang mga karapatan ng mga manggagagawa ay itinataguyod at protektado.

Lumabas ang babala matapos na kwestyunin ng 61 manpaower agencies sa serye ng pagsalakay na isinagawa ng LRMA at ng Interior Ministry, kung saan sinabi na ang mga agensy ay napatunayan na nagpapatakbo nang walang lisensya at kumukuha ng mga tumakas na domestic worker ng ibat-ibang nasdyonalidad upang magbigay ng hourly leaning services.

Ayon kay LRMA Preventive Inspection Director Ahmed Junaid, ang kakulangan sa suplay ng mga domestic worker sa Bahrain ay nag-akit sa ilan na tumakas at talikuran ang kanilang mga kontrata sanhi ng paglaganap ng mga serbisyo sa paglilinis na binabayaran nang oras-oras sa Bahrain.

Base sa January-June 2020 Report ng  Congress sa  POLO–Bahrain, ang bilang ng mga Filipino workers sa Kingdom of Bahrain ay biglang bumagsak ng 9%. Mula 18,663 domestic workers noong 2019 ay 16,576 na lamamng ang nanatili hanggang June 2020.

Inaasahan naman na mapupunan ng Filipino workers ang malaking agwat ng demand ng mga domestic worker.

Sinabi ni Junaid na ang mga recruitment agencies  ay gumawa ng mga random na pakikipanayam samga employer sa Bahrain kung saan lumitaw ang mga Filipino workers  na mas pinipili kaysa sa mga migrantenmg mangagagawa mula sa ibat-ibang mga bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...