Temporary Treatment and Monitoring Facilities sa COVID, aapaw na

Temporary Treatment and Monitoring Facilities sa COVID, aapaw na

January 14, 2022 @ 8:58 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Plano ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga kinontratang hotel na gagamitin bilang mga isolation site matapos umabot sa 78 porsyento angutilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) .

Sinabi ni Health Undersecretary and treatment czar Leopoldo Vega na mayroon mataas na bilang ng mga kahilingan para sa isolation at quarantine facilities habang patuloy na tumataas ang kaso Ng coronavirus disease nitong nagdaang mga linggo.

“Iyong December kasi nasa 15 percent lang yata or mga less than 10 percent ng usage ng ating temporary treatment facilities. So, ang iba ho nito talagang nag-aano na, nag-defunctionalize (Last December, the usage of temporary treatment facilities is 15 percent or less than 10 percent. So, even some of them were defunctionalized),” pahayag ni Galvez sa isang televised public briefing.

Dagdag pa niya na ang mga kontrata ng ilang hotel at pasilidad na itinalaga bilang mga TTMF. ay natapos na noong Disyembre 31, 2021.

Upang makapagbigay ng naaangkop na mga lugar ng isolation at quarantine para healthcare workers at pangkalahatang publiko, ang mga lokal na yunit ng pamahalaan ay muling inaaktibo ang kanilang mga TTMF.

Ayon kay Galvez ang utilization kasi ng TTMFs ay nasa halos 78 % na kaya naman itinataasna rin ang bilang ng isolation at pasilidad para sa mga health care workers at saka sa general public.

Nitong Huwebes, nakapagtala ng 34,021 bagong kaso kung saan may kabuuan nang 3,092,409 habang nasa 237,387 na rin ang aktibong mga kaso sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden