Tempura walk, panlaban ni Hipon Girl sa Bb. Pilipinas!

Tempura walk, panlaban ni Hipon Girl sa Bb. Pilipinas!

April 25, 2022 @ 10:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Pasok sa opisyal na 40 kandidata ng Binibining Pilipinas si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.

Pero Nicole ang gamit niyang pangalan.

Kung matatandaan ang interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga, mas kumportable raw na gamitin ni Herlene ang Nicole.

Ang Herlene ay pinagsamang pangalan ng ama’t ina niya, kaso noon daw bibinyagan siya ay nag-away ang mga ito.

Mas lumaki si Nicole sa kanyang lolo’t lola.

Abut-abot nga ang kanyang pasasalamat dahil pumasok siya sa Top 40. Answered prayer daw ito.

Autism detection and awareness ang sinabi niyang adbokasiya na nais isulong.

Bago pa man natuklasan bilang contestant sa Wowowin ay tinanghal nang Miss Angono si Nicole.

Biro niya, itinadhana raw siya sa parehong Wil na tumuklas sa kanya, dahil ang manager niya ay si Wilbert Tolentino.

Ang titulong nais masungkit ni  Nicole ay ang Miss Grand International.

At kung pinasikat ni Miss Universe 2018 ang lava walk, ipinagmamalaki naman ni Nicole ang tempura walk, hango  sa Japanese food na gawa sa hipon.

Good luck, Hipon Girl! Ronnie Carrasco III