Tenement 66, ipalalabas na worldwide!

Tenement 66, ipalalabas na worldwide!

July 15, 2021 @ 12:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakaantabay sa #Tenement66mediacon ang mga netizens sa Twitter, Facebook, at Instagram para sa world premiere ng pelikulang Tenement 66 sa Hulyo 23!

Ito ay isang orihinal na Filipino thriller movie sa direksyon ni Rae Red na pinagbibidahan nina Francis Magundayao, Francine Diaz, Noel Comia Jr., at Lou Veloso.

Nakasentro ang kwento sa buhay ni Teban (Francis), isang kabataang dating magnanakaw na nais ng bagong buhay matapos makalaya sa pagkakakulong. Ngunit susubukan s’yang muling hilahin ni Lea (Francine) palapit sa krimen. Plano nilang nakawan ang isang matandang lalake na nagnakaw rin ng malaking halaga ng pera. Kung magtatagumpay sila, paghahatian nila ang makukuhang halaga, sapat na upang mabigyang solusyon ang sari-sarili nilang kinakaharap na problema. 

Ngunit hanggang saan nga ba sila dadalhin ng kanilang mga plano?

Naunang inilunsad ang international debut ng Tenement 66  sa South Korea sa taunang Bucheon International Fantastic Film Festival noong Hulyo 8. 

Ipinalabas naman ito sa streaming platforms ng ABS-CBN tulad ng iWant at TFC noong Hulyo 9 sa ilalim ng Dreamscape Entertainment at Epic Media.

Aabangan naman ng publiko sa Hulyo 23 ang pag-ere ng pelikulang ito sa buong mundo! Kaya kung hindi mo pa ito napapanood, ilagay mo na sa movie watchlist mo! RNT Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •