Tenorio, kinilalang PBA Player of the Week

Tenorio, kinilalang PBA Player of the Week

June 27, 2018 @ 1:03 PM 4 years ago


PBA– Iginawad kay Barangay Ginebra veteran LA Tenorio ang PBA Player of the Week award matapos ang impresibong galing na ipinakita nito sa 4-game winning streak ng koponan sa PBA Commissioner’s Cup.

Nakapagtala kasi ng average na 14 points, 6.5 assists, apat na rebounds at steals si Tenorio sa panalo ng Gin Kings kontra sa Columbian Dyip at Alaska Aces noong nakaraang linggo.

Sa paglampaso ng koponan sa Columbian, mayroon itong inambag na 16 points, 10 assists, tatlong rebounds at tatlong steals 133-104 na iskor noong Miyerkules.

Aabot naman sa 12 points, five rebounds, five steals, at 3 assists ang nagawa ni Tenorio makalipas lang ang apat na araw para talunin ang Alaska, 105-86.

Kasalukuyang nasa 12-day break ang Ginebra at muling magpapainit ng court sa July 6 para kalabanin ang GlobalPort Batang Pier. (Remate News Team)