Tentative date sa Balikatan 2023, itinakda sa Abril

Tentative date sa Balikatan 2023, itinakda sa Abril

February 6, 2023 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng sa ikalawang linggo ng Abril ang tentative schedule ng annual war games o Balikatan exercises ng Pilipinas at Estados Unidos ngayong taon.

“Still tentative, second week of April,” pagbabahagi ni AFP chief Public Information Officer Jorry Baclor nitong Lunes, Pebrero 6.

Kasalukuyan naman na pinag-uusapan pa kung gaano karaming mga sundalo ng Pilipinas at US ang lalahok.

Bagama’t isa itong bilateral activity, pangungunahan ng AFP ang 38th iteration ng Balikatan Exercises.

“Although this is a bilateral activity, the AFP takes the lead in planning and execution, supported by the US Armed Forces with other like-minded nations as observers,” pahayag ng AFP.

Anila, ang joint military exercise ay magbubunga ng “development of the AFP capability not only in the conduct of external defense operations but also in fulfilling its obligation in working with other countries in the region against terrorism and other threats.”

Noong 2022, mayroong kabuuang 8,900 na miyembro ng Philippine at American military force ang lumahok sa Balikatan exercises. RNT/JGC