Teritoryo ng Pinas poprotektahan ni PDu30- Malakanyang

Teritoryo ng Pinas poprotektahan ni PDu30- Malakanyang

April 6, 2022 @ 4:12 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na palaging poprotektahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang teritoryo ng Pilipinas at mananatili ang national interest ng bansa sa gitna ng ulat na may Chinese navy vessel ang nagmamanman sa joint military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, na nadetermina ng Department of Foreign Affairs na ang nasabing aksyon ng China ay malinaw na paglabag sa national sovereignty.

“The DFA already took diplomatic action,” ayon kay Andanar.

“The President, while engaging in diplomacy in dealing with China, will always protect our territory and uphold our national interest,” dagdag na pahayag nito.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang Chinese electronic at reconnaissance ship na PLAN 792 ang umaaligid sa Sulu Sea.

Nabatid na iligal na pumasok ang barko sa katubigan ng bansa noong January 29 hanggang February 1, 2022 at nakarating pa sa Cuyo Group of Islands sa Palawan at Apo Island sa Mindoro.

Ito ay ang panahong nagsasagawa ng war games ang Philippine Marine Corps at United States Marine Corps sa Palawan.

Giit ni Lorenzana, hindi pwedeng magmanman ang China sa loob ng ating territorial waters na dahilan ng pagsasampa ng bansa ng diplomatic protest laban sa Beijing.

“Ang ginawa nitong barko na ito ay — meron kasi tayong exercise na nangyayari with the US forces, US navy — ay minamanmanan nya,” ayon sa Kalihim.

Idinagdag pa ni Lorenzana na “only innocent passage is authorized in the area where foreign vessels can enter through the Balabac Strait and exit Palawan.”

“Medyo sensitive ‘yan na area because itong dinaanan nung barko ng Tsina ay hindi na ito international waters,” aniya pa rin sabay sabing “It is an internal water, it is the water between Palawan at saka yung Mindanao.”

Kamakailan lang nang ipatawag ng Department of Foreign Affairs si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil sa pagpasok ng barko ng Tsina sa Sulu Sea at hiniling na respetuhin ng China ang territory at maritime jurisdiction ng Pilipinas. Kris Jose