Term extension ng presidente, VP kinontra ni Jinggoy

Term extension ng presidente, VP kinontra ni Jinggoy

July 5, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinontra ni returning Senator Jinggoy Estrada nitong Lunes ang panukalang term extension para sa Presidente at Bise President ng bansa.

“Is that self-serving? That’s self-serving. I will not allow it,” tugon niya nang tanungin kung pabor siya sa panukala.

Kamakailan ay naghain si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ng resolusyon na layong amyendahan ang 1987 Constitution sa pagsusulong ng five-year term para sa Pangulo ay Bise Presidente at payagan sila “to seek one reelection”.

“You can revisit the Constitution, or you can tinker with the Constitution as long as you don’t touch all the term limits of the national and local officials,” giit ni Estrada.

“Kami naman ang sisisihin ng taumbayan, ‘Kaya kayo nandiyan kasi gusto ninyo magpa-extend ng term,’ alam mo ‘yung mga ganu’n ba. So, I’m very meticulous about it,” dagdag niya. RNT/SA