Term limit sa Federal system, dapat collegial decision – SGMA

Term limit sa Federal system, dapat collegial decision – SGMA

October 8, 2018 @ 4:56 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Buong Kongreso ang dapat na magpasiya kung tatanggalin o hindi ang term limits ng mga kongresista sa ilalim ng federal system.

Sa isang panayam, sinabi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ang paglilimita sa termino ng mga kongresista ay kailangang “collegial decision.”

“It’s really a collegial decision,” ani Arroyo.

Si Arroyo ay naghain ng bersyon sa amyenda ng saligang batas kung saan binibigyan diin niya ang pagtatatag ng federal states.

“The only thing I added was a provision that is establishing the federal states, there’s a mechanism to establish federal states. All the other provisions were already submitted by the Con-com (Consultative Committee). That’s the only thing I added to make it my version.”

Magugunitang inaprubahan ng House Constitutional Amendments ang Resolution No. 15 sa ilalim ng committee report No. 881 na nagsusulong ng pagtatatag ng presidential-bicameral-federal system of government.

Ang bersyon na ito ni Arroyo ay kakaiba sa inaprubahang draft ng federal charter noong July 3.

Naunang tinukoy ni Conrado “Ding” Generoso, spokesman ng consultative committee na nilikha ni Pangulong Duterte ang ilang probisyon na alanganin sa charter draft ng Kamara.

Kabilang sa draft ng Kamara na ang term ng kobngresista at senador ay hanggang apat na taon at dapat ay nakatuntong ng college ang sinumang mailolokluk sa posisyon.

Kung maaaprubahan ang panukalang kunstitusyon ay sa may 2022 ang unang eleksyon sa ilalim nito. (Meliza Maluntag)