Term-sharing dapat masunod, pero PDU30 walang magagawa kung walang makuhang suporta si Velasco sa Kamara

Term-sharing dapat masunod, pero PDU30 walang magagawa kung walang makuhang suporta si Velasco sa Kamara

September 22, 2020 @ 3:13 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na susundin nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang kanilang term-sharing agreement.

Iyon nga lamang, wala namang magagawa si Pangulong Duterte kung walang makuhang numero at suporta si Velasco mula sa kapwa niya kongresista.

“The President is hoping the Speaker and Congressman Velasco will honor their agreement but ultimately the decision will be the decision of individual congressmen,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Ang sabi po niya, to quote talaga is, ‘kung walang numero si Lord Allan, wala siyang magagawa,’” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Magugunita na bago ang pagsisimula ng 18th Congress ay inendorso ni Pangulong Duterte si Cayetano sa mga kongresista bilang kanyang manok sa speakership race.

Sa ilalim ng kasunduan na pinangunahan ni Pangulong Duterte, bibigyan ng 15 buwan para umupo bilang speaker si Cayetano at susundan naman ni Velasco hanggang sa matapos ang 18th Congress.

Ang isa pang nagnanais sana na maging Speaker na si Leyte Rep. Martin Romualdez ay sinabihan noong mga panahon na iyon na uupo bilang Majority Floor Leader.

Samantala sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na sa pagsapit ng Nobyembre ay hihingi siya ng payo kay Pangulong Duterte ukol sa Speakership issue.

“Ang usapan naman, ako, I told the President I will go to him when it comes to November. I will seek his guidance as head of the coalition, then we will see what will happen,”aniya.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na mayorya ng mga kongresista ay nais na manatili sa posisyon si Cayetano.

Inakusahan naman ni Villafuerte si Velasco nang hindi pagiging aktibo sa mga House affairs.

Aniya, ‘choice’ ni Velasco na “not to be the presumptive Speaker.”

Sa ngayon, wala pang tugon si Velasco sa alegasyon sa kanya ni Villafuerte. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...