TERMINO NG OPISYALES NG BARANGAY PALALAWIGIN?

TERMINO NG OPISYALES NG BARANGAY PALALAWIGIN?

July 26, 2022 @ 7:28 PM 3 weeks ago


MUKHANG hindi na nga matutuloy ang itinakdang barangay elections sa Disyembre ngayong taon ay tila palalawigin pa ng ika-19 na Kongreso ang termino ng mga opisyal ng pinakamaliit na sangay ng pamahalaan.

Sa forum na Kapihan sa Manila Bay, inihayag ni Albay Representative Joey Salceda na isa sa aatupagin ng mga mambabatas sa kanilang pagbabalik sesyon ay ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa katapusan ng taon.

Nais ng mga miyembro ng House of Representatives na mula tatlong taon ay pahabain ang hanggang limang taon ang panunungkulan ng opisyales ng barangay.

Sinabi ni Salceda na lubhang maikli ang tatlong taon para sa panunungkulan ng mga nasa barangay sapagkat sila ang talagang nakatutok sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan.

Malaki, paliwanag ng mambabatas mula sa Albay, ang matitipid ng gobyerno sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre na aniya ay aabot sa P11 bilyon na puwedeng gamitin naman sa iba pang programa ng pamahalaan.

Hindi naman pabor si Salceda sa nais ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na hindi pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral sapagkat aniya, mismong mga magulang ang tutol dahil mas magastos umano kapag nakasibilyan na papasok sa paaralan ang mga estudyante.

Si Salceda ay adviser ni VP Sara gayunman ay sinabihan n’ya ito na hindi dapat makialam ang mga guro kaugnay sa isusuot ng mga bata sa kanilang pagpasok sa paaralan.
Lantad na pasugalan sa Marikina

Patuloy pa rin ang operasyon ng mga pasugalan ni Pinong sa Marikina City dahil hindi naman ito sinisita o hinuhuli ng mga pulis ng nasabing lungsod sapagkat malakas o untouchable umano itong si Pinong dahil kay Mayor Marcelino Teodoro.

Bakit?……..

“Hindi kaya,” sabi ng alkalde. Itinuturo niya sa pulis umano malakas si Pinong. Maniniwala lang ang inyong lingkod na hindi untouchable ang operator ng sugal kapag ipinahuli ang salot na sugalan.

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918924764,0266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]