Terminong ‘political dynasty’ klaruhin – Sotto

Terminong ‘political dynasty’ klaruhin – Sotto

March 30, 2022 @ 10:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni vice presidential candidate Vicente Sotto III nitong Martes na dapat magkaroon ng mas malinaw na depinisyon ang “political dynasty.”

Ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang “proliferation of political dynasties”. Subalit hindi ito maipatupad sapagkat walang batas na nag-aatas dito.

“If there’s no concentrated influence, hindi political dynasty. Kung may concentrated influence, political dynasty ‘yan,” pahayag ni Sotto.

“Dapat i-define natin.. Kasi kung sa isang area, concentrated ang influence then you can call it political dynasty pero in the case na isa taga doon, isa taga rito hindi na political dynasty yun,” patuloy pa ng Senate President.

Itinaggi ni Sotto kamakailan ang obserbasyon na ang kanyang pamilya ay nagiging dinastiya sa politika sa Pilipinas, at sinabing nanunugkulan sila sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Dalawa sa anak ng Senador ang nanunugkulan sa Quezon City– sina Vice Mayor Gian Carlo Sotto at Councilor Lala Sotto. Pamangkin din niya si Pasig City Mayor Vico Sotto. RNT/SA