Terorismo mapipigilan sa pag-freeze ng assets ng CPP – Arevalo

Terorismo mapipigilan sa pag-freeze ng assets ng CPP – Arevalo

December 28, 2020 @ 7:55 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines ang anunsyong maari nang i-freeze ng gobyerno ang mga asset ng miyembro ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

Ayon kay Major General Edgard Arevalo na makatutulong ito para mapigilan ang terorismo sa bansa.

Pinuri rin ng tagapagsalita ng AFP ang Anti-Terrorism Council (ATC) sa desisyong isama na sa listahan ng mga teroristang grupo ang CPP-NPA.

Nito lamang Linggo ng gabi nang ibalita ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maari nang i-freeze ng AMLC ang mga asset ng miyembro ng CPP-NPA.

“Dahil po ‘yan sa decalraiton na ‘yan, meron na pong kapangayarihan and ATC na hilingin, for example, sa Anti-Money Laundering Council na tingnan ang deposito ng mga sinasabing miyembro,” giit ng heneral.

“Napakalaking bagay kung puwede silipin, puwedeng i-freeze ‘yung kanilang assets lalong-lalo na ‘yung kanilang finances,” dagdag pa niya.

Ayon kay Arevalo na ginagamit ng CPP-NPA ang mga nakalap na pera sa mga pangingikil kontra pamahalaan.

“Iniimpok nila sa bangko at kinukuha po nila ‘yan, ginagamit upang labanan ang ating pamahalaan, pinambibili ng armas.”

Mariin namang pinalagan ng CPP ang nasabing hakbang at sinabing hindi nila ito kinikilala. RNT