Manila, Philippines – Nasa kamay na ng Manila Regional Trial Court kung idedeklara nito o hindi na terorista ang mahigit 600 personalities na kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pending na sa korte ang petisyon para sa pagdedeklara sa CPP-NPA-NDF (National Democratic Front) bilang terrorist organization sa ilalim ng Human Security Act.
Ipinauubaya na aniya sa mababang korte ang paglabas ng final determination.
Nauna rito, nagtungo na kahapon sa DOJ ang Kalipunan ng mga Katutubong Mamayan ng Pilipinas, Philippine Task Force for Indigenous People’s Rights (TFIP), at Indigenous Peoples Movement for Self-Determination and Liberation (IPMSDL) para magsumite kay Guevarra ng mga pangalan ng indigenous peoples na nais nilang matanggal na sa listahan ng mga terorista. (Remate News Team)