Teroristang mag-utol nadakma ng QCPD sa Pasay!

Teroristang mag-utol nadakma ng QCPD sa Pasay!

September 2, 2022 @ 6:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nadakma ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang magkapatid na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Pasay City, Huwebes ng hapon.

Ayon kay QCPD Director, PBGEN Nicolas D Torre III, nadakip ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PLt. Col. Melgar Devaras, ang magkapatid na sina Kent John Magdadaro alias “KA Noy”, 24 anyos, at Arnel Magdadaro alias “Ka Manoy”, 43, kapwa stay-in sa Barracks ng MSC QUANTUM Residence Project na matatagpuan sa No. 2040 Taft Ave., Brgy. 49, Pasay City.

Nadakip nang pinagsanib na mga operatiba ng QCPD, Regional Intelligence Division NCRPO, RIU-NCR, Cataingan Municipal Police Station, Masbate 2nd PMFC, PIU Masbate Police Provincial Office bandang alas-12:10 ng hapon (September 1), kung saan nakatira ang magkapatid.

Napag-alaman na mayroong warrant of arrest sa kasong murder na inisyu nina Judge Imedio Emilio Fidel Camposano ng Branch 49, 5th Judicial Region, RTC, Cataingan, Masbate, at Judge Mary Flor D. Abigue-Logarta ng Branch 44, 5th Judicial Region, RTC, Masbate City.

Lumalabas na si Kent John ay may pending warrants of arrest para sa four counts ng murder at isang attempted murder habang ang kapatid niyang si Arnel ay three counts ng murder at isa ring attempted murder.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang magkapatid ay miyembro ng CTG sa ilalim ng pamumuno ni Ka Rogelio Suson alias “Manong”, CO L2, KP4, Southern Command at nakalista bilang No. 1 at 2 Most Wanted Persons ng QCPD nitong 3rd quarter.

Pinuri naman ni PBGen. Jonnel C Estomo, Acting Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pamunuan ng QCPD.

“We will continue to track down and conduct surveillance operations to arrest these wanted criminals who are on the run. We will not rest until we put the last wanted person behind bars and make them answer for the atrocities they committed,” pahayag ng NCRPO chief. Jan Sinocruz