Terrence Romeo, alam ang modus ng dating asawa?

Terrence Romeo, alam ang modus ng dating asawa?

January 17, 2022 @ 12:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Mismong si Cristy Fermin ang nagbalita na hiwalay na ang mag-asawang Terrence Romeo at Beatrice Pia White.

Si Beatrice Pia o mas higit na kilala bilang Pia in showbiz circles ay nahaharap sa patung-patong na kaso at ngayo’y nasakote na ng pulisya.

Kilala ring laging bumibisita si Pia sa online showbiz program ni Cristy kasama sina Lolit Solis at Mr. Fu at dinadalhan pa sila ng sari-saring regalo.

‘Yun nga lang, never daw pumayag si Pia na makunan siya ng litrato na noong una’y pinagtakhan nina lolit at Cristy.

Si Cristy rin ang nagbalita na kaya raw nagkabaun-baon sa utang si Pia ay dahil tinustusan nito ang luho ni Terrence.

Reportedly, gumon daw sa sugal ang basketbolistang minsan nang naugnay kay Vice Ganda.

Consistent si Pia sa pag-ayaw makunan ng litrato dahil kahit nanonood siya ng games ni Terrence ay kabilin-bilinan nitong huwag ipa-pan ang camera sa kanya.

Kabilang sa pinagkakautangan ni Pia ay ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz.

Limang milyong piso umano ang atraso ni Pia kay Ogie na may apat na taon na nitong sinisingil.

Hindi tuloy maiwasang sabihin ni Lolit na imposibleng walang alam si Terrence sa modus operandi (MO) ng asawa.

Maitatanong din kung may criminal liability din ba si Terrence?

At gaano ito nakakaapekto sa basketball career ni Terrence? Ronnie Carrasco III