Terrence Romeo may matinding injury

Terrence Romeo may matinding injury

June 25, 2022 @ 2:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maaaring mas matagal pa kaysa sa inaasahan ang pagbabalik ni Terrence Romeo sa San Miguel.

Ibinunyag ng management ng team na ang high-scoring guard ay dumaranas ng slipped disc at maaari pa ring hindi makalaro sa susunod na dalawang buwan.

Nauna nang sinabi ng Beermen na si Romeo ay hindi nakalaro sa unang tatlonglaro ng koponan dahil sa back spasm.

Pero, lumalaba na mas malubha pa pala ang pinsala ng sikat na manlalaro.

Bukod kay Romeo, dalawa pang pangunahing manlalaro – sina Chris Ross at Vic Manuel – ay nasa listahan ng injury ng San Miguel.

Nasaktan ni Ross ang kanyang kanang tuhod isang linggo na ang nakakaraan kahit na siya ay naligtas sa ACL injury, habang si Manuel ay na-strain ang kanyang binti.

Parehong hindi nakalaro sina Ross at Manuel kontra  Barangay Ginebra nitong  Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.RICO NAVARRO