TESDA mag-iisyu ng e-certificates sa Q4

TESDA mag-iisyu ng e-certificates sa Q4

August 28, 2022 @ 11:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na sisimulan nito ang nationwide rollout ng electronic National Certificates (NC) sa ika-apat na kwarter ng taon.

“The issuance of the e-certificate is our commitment to improving efficiency through digital technology that would lead to enhanced access to employment opportunities for the Filipino workforce,” pahayag ni TESDA Director General Danilo Cruz.

Inisyal na itinatag ang sistema sa Metro Manila, na may kabuuang 2,286 e-certificates na inisyu sa certified workers mula Aug. 1, 2021 hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon, base sa ahensya.

“These e-certificates shall also provide easy access to the NC/CoC (Certificate of Competency) of certified workers anywhere and anytime from any web browser and most importantly, mitigate the proliferation of fake National Certificates,” patuloy ni Cruz.

Ayon sa TESDA, pwedeng i-check kung tunay ang e-certificates sa pamamagitan ng quick response (QR) code kung saan makikita ang worker’s information, o sa pamamagitan ng Registry of Certified Workers sa website ng TESDA. RNT/SA