TESDA sa DOLE

TESDA sa DOLE

October 5, 2022 @ 4:53 PM 2 months ago


Isang magandang istratehiya ang pagbabalik ng Technical Education and Skills Development Authority sa Department of Labor and Employment bilang isang attached agency ng huli.

Ito ay para magkaroon ng mas maigting na sensitivity ang ating pamahalaan kung paano masosolusyunan ang mabilis na paglago nang kawalan ng trabaho sa bansa.

Malaki rin kasi ang pondong ibinibigay ng ating pamahalaan taon-taon kaya dapat lamang na lahat ng perang inilalaan sa ahensiyang ito ay masulit.

Sa bagong Administration ni Director General Danilo Cruz, isang dating Labor Undersecretary, marami ang umaasa na ang focus sa pagtugon ng TESDA sa unemployment ay maibabalik.

Idagdag pa rito na dapat ding matugunan ang ‘mismatch’ na mga kurso ng ating educational system sa mga trabahong kailangan ng ating mga industriya sa Pilipinas.

Panahon na para ibalik ang sistema ng ‘dual training’ kung saan ang mga estudyante ay may mga tinitingnang ‘training programs’ sa mga kompanya o industriyang kanilang pagtratrabahuhan para sa pagtatapos nila ng pag-aaral.

Maganda nga naman at pabor para sa mga mag-aaral na meron na silang nakaantabay na trabaho sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral.

Malaking bagay ito para sa mga magtatapos at sa kanilang mga magulang na hindi na sila maghihirap pa sa paghahanap ng pagkakakitaan.

Sana nga DG Cruz, sana nga.

–000–
Para sa inyong mga komento o sumbong, maaari po kayong tumawag o mag text sa ating 1-Ang Edukasyon Party-list Hotline: 0927.930.25.81 at makaka asa po kayo sa agarang tugon ng inyong mga mensahe.