Test result, vaxx card requirements para sa inbound passengers kinalos ng Cebu

Test result, vaxx card requirements para sa inbound passengers kinalos ng Cebu

November 5, 2022 @ 2:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Aalisin na ng lalawigan ng Cebu ang vaccination card requirements para sa inbound passengers sa land, air at sea ports epektibo ngayong Sabado, Nobyembre 5.

Sa executive order na nilagdaan nitong Biyernes, binigyang-diin ni Gov. Gwen Garciaang pagluluwag sa quarantine restrictions alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“There is a need to relax testing, quarantine, and health protocols for passengers traveling to Cebu for business or tourism purposes,” saad sa order.

Kapag ang mga biyahero ay fully vaccinated, hindi na nila kailangang magpakita ng anumang COVID-19 test result.

Subalit, para sa mga unvaccinated, hinihikayat silang magsagwa ng rapid antigen test na valid sa loob ng 24 oras.

Ang check-in requirements para sa mga biyahero na vaccinated at unvaccinated ang magiging tiket at passport nila kasama ang identification card.

“Any other requirement, such as Electronic Arrival Cards, shall only be presented upon arrival in Cebu,” batay sa order.

Iginiit din nito ang optional wearing ng face masks para sa lahat ng pasaherong patungo sa Cebu at sa airport nito.

Ipinalabas din ni Garcia ang memorandum na nag-uutos sa lahat ng local government units kabilang ang Department of Education sa kanyang hurisdiksyon na gawing opsiyonal ang pagsusuot ng face mask.

Hindi kasama rito ang health facilities, medical vehicles at sa public transport. RNT/SA