Testing outputs sa NCR, bumaba; VisMin, tumaas

Testing outputs sa NCR, bumaba; VisMin, tumaas

May 31, 2021 @ 12:53 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakikitaan ngayon ng pagtaas ng testing output  sa mga lugar o reghiyon na may pagtaas naman ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa virtual media forum, sinabi ni Health Usec maria Rosario Vergeire na maraming factors na tinitignan sa testing rate.

Sa national capital region o NCR, ang testing rate o submission ng specimen ay bumababa.

Dati ay nakaka-average sa NCR ng nasa 232,000 kada linggo pero bumaba ito ngayon ng 189,000.

“Part of this would be maybe  the reduction in the number of cases ,second; it might be using another testing methology kasi for this NCR Plus Bubble”, ani Vergeire.

Pareho namang tumaas ang weekly outputs sa Visayas at Mindanao para sa kanilang testing.

Sa Visayas, nagkaroon ng average na 46,000 kada linggo at ngayon ay umaabot na sa 56,000 test .

Sa Mindanao naman aniya ay nakakapag-average lamang noong ng 29,000 test ngunit ngayon ay nag-aaverage na sila ng 42,000 test.

Kaya naman nakikita ang pagtaas ng testing outputs sa mga lugar na naapektuhan ngayon ng pagtaas ng kaso .

Dito naman sa NCR ay nakikita ang konting pagbaba ngunit maari aniyang apektado ito ng mga factors na mayroon tayo ngayon katulad ng paggamit ng ibang paraan ng  testing methology  gayundin ang pagbaba ng mga kaso sa ating lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden