Testing, quarantine COVID-19 protocols para sa inbound travelers sa Pinas, pinagaan

Testing, quarantine COVID-19 protocols para sa inbound travelers sa Pinas, pinagaan

November 3, 2022 @ 8:24 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng  Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na pagaanin ang testing at quarantine protocols para sa mga  inbound travelers sa Pilipinas sa gitna ng  COVID-19 pandemic.

Ayon sa  memorandum na nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre  28, inaprubahan ng Malakanyang ang  IATF Resolution 2 “subject to strict observance of other minimum health protocols and compliance with applicable laws, rules, and regulations.”

Sa ilalim ng  IATF Resolution 2,  hindi na required ang pre-departure testing sa fully vaccinated inbound travelers, maging ito man ay  Filipino o foreign nationals.

Ang mga Filipino at foreign travelers ay dapat ng ituring na fully vaccinated kung ito ay nakatanggap na ng  second dose ng two-dose series o single-dose COVID-19 vaccine mahigit 14 na araw bago pa ang petsa at oras ng  departure mula sa bansa na kanyang panggagalingan o  port of embarkation.

Ang fully vaccinated individual ay dapat na mayroon at dapat na makapag-presenta ng kahit na anumang sumusunod na proofs of vaccination gaya ng World Health Organization International Certificate of Vaccination and Prophylaxis, VaxCertPH, national o state manual/digital certificate ng  country/foreign government, at iba pang proof of vaccination.

Ang mga indibidwal na  unvaccinated, partly unvaccinated, o iyong vaccination status ay hindi maaaring  independently validated,  ay dapat na sundin  ang  mga sumusunod:

Ang mga Filipino at  foreign nationals na ang edad ay 15 o pataas ay kailangan na magpresenta ng remotely supervised, o laboratory-based rapid antigen negative result na  administered at certified ng  healthcare professional sa isang healthcare facility, laboratory, clinic, pharmacy o iba pang kahalintulad na establisimyento na ginawa 24 hours bago pa ang petsa at oras ng  departure mula sa bansa na kanyang panggagalingan o /first port of embarkation sa patuloy na pagbi-byahe sa Pilipinas,  iyon nga lamang ay “excluding lay-overs; provided that he/she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such lay-over.”

Ang mga Filipino at foreign nationals na ang edad ay 15 o pataas na nabigong makapag-presenta ng negative pre-departure testing na may kondisyon na nabanggit, ay required na sumailalim sa laboratory-based rapid antigen negative result na administered at certified ng isang healthcare professional sa isang healthcare facility, laboratory, clinic, pharmacy o iba pang kahalintulad na establisimyento na ginawa “upon arrival” sa  airport.

Ang mga “accompanied minors” na  mas mababa sa 15 taong gulang na hindi bakunado sa anumang kadahilanan ay marapat lamang na sumunod sa quarantine protocols ng kanilang magulang o accompanying adult/guardian travelling na kasama ng mga ito sa pagbiyahe.

Ang unaccompanied minors na mas mababa sa 15 taon na hindi bakunado sa anumang kadahilanan ay marapat na sumunod sa protocols na itinakda sa Seksyon  B (1) at (2) na nabanggit.

Ang mga magpopositibo naman sa test sa pamamagitan ng rapid antigen test ay dapat na “subjected to the latest prevailing protocols of the Department of Health, the resolution stated.”

Samantala, sa  naturang memo, inatasan ng Malakanyang ang Bureau of Quarantine, na makipagtulungan sa DOH at iba pang ahensiya na i-identify ang iba pang acceptable proofs of vaccination upang maiwasan ang pagkalito at inconvenience sa panig ng inbound travelers at kaagad na madaliin ang diseminasyon o pagpapalaganap para sa  public information. Kris Jose