Testing, quarantine sa byaherong papasok ng bansa, hinigpitan ulit ng IATF

Testing, quarantine sa byaherong papasok ng bansa, hinigpitan ulit ng IATF

December 3, 2021 @ 6:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), Huwebes, ang muling mas mahigpit na testing at quarantine protocols para sa mga darating na international passengers sa lahat ng ports of entry ng Pilipinas na magmumula sa mga bansa, teritoryo, jurisdictions na hindi itinuturing bilang Red List country/territory/jurisdiction.

Ang bagong protocols na ito ay epektibo ngayong araw ng Biyernes, Disymbre 3, 2021.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, para sa fully vaccinated individuals, required ang mga ito na magkaroon ng negative RT-PCR test na ginawa sa loob ng 72 oras bago pa ang departure mula sa bansang kanilang panggagalingan.

Sa pagdating sa Pilipinas, sasailalim ang mga ito sa facility-based quarantine na mayroong RT-PCR test na kinuha sa pang-5 araw kung saan ang petsa ng pagdating sa bansa ang magiging unang araw.

Kahit negatibo pa ang resulta, required pa rin ang mga ito na sumailalim sa home quarantine hanggang 14 na araw mula sa petsa ng kanilang pagdating.

“In the case of individuals who are unvaccinated, partially vaccinated, or whose vaccination status cannot be independently validated, they shall be required a negative RT-PCR test conducted within 72 hours prior to departure from the country of origin. Upon arrival in the Philippines, they shall undergo facility-based quarantine with an RT-PCR test done on the 7th day, with the date of arrival being the first day. Regardless of a negative result, they shall be required to undergo home quarantine up to the 14th day from the date of arrival,” pahayag ni Nograles base sa ipinalabas na update report ng IATF.

Inatasan naman ang Department of Transportation na tiyakin na ang airlines ay magsasakay lamang ng mga pasahero na mayroong negative RT-PCR test-before-travel requirement.

“The testing and quarantine protocols of minors, on the other hand, shall follow the testing and quarantine protocol of the parent/guardian traveling with them, regardless of the minor’s vaccination status and country of origin,” ayon pa rin sa IATF.

Para naman sa mga international passengers na nakarating na at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine, ipagpapatuloy ng mga ito ang testing at quarantine protocols sa lugar simula ng kanilang pagdating.

“Filipinos from Red List countries/territories/jurisdictions allowed entry via government-initiated or non-government repatriations, and Bayanihan Flights shall only be allowed to deplane via the Ninoy Aquino International Airport and/or Clark International Airport. The Department of Transportation, through their attached agencies, is directed to ensure the compliance of airlines with this directive. Upon arrival, the individual shall comply with the testing and quarantine protocols as prescribed under IATF Resolution No. 149-A (s.2021),” ang bahagi pa rin ng update report ng IATF.

Samantala, sa kahalintulad na meeting, inamiyendahan naman ng IATF ang metrics para madetermina ang ang alert level classifications ng mga lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities.

Kabilang sa inamiyendahan ang pag-aalis sa “One-Week Growth Rate as a metric for escalation from Alert Level 1 to Alert Level 2; the escalation of areas under Alert Level 1 to Alert Level 2 if either case classification or total COVID-19 bed utilization increases to moderate risk or higher; and the escalation of areas under Alert Level 2 to Alert Level 3 if both case classification and total COVID-19 bed utilization are at moderate risk, or if case classification is at high to critical risk.”

Sa paga-apply ng revised metrics, ang Apayao ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 mula ngayong araw, Disyembre 3, 2021 hanggang Disyembre 15, 2021. Kris Jose