Testing sites sa bar exam sa Nobyembre, tukoy na

Testing sites sa bar exam sa Nobyembre, tukoy na

September 12, 2022 @ 5:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinukoy na ng Supreme Court ang mga lugar na magsisilbing local testing centers (LTCs) sa iba’t ibang rehiyon para sa idaraos na Bar examination.

Sa Bar Bulletin inihayag ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, 2022 Bar Examinations Chair, matapos ang assessment at evaluation, idaraos ang examinations sa 14 LTCs na matatagpuan sa mga sumusunod:

Sa National Capital Region:
1. Northern Manila
2. Southern Manila
3. Pasay City
4. Quezon City
5. Taguig City

Sa Luzon:
1. Baguio City, Benguet
2. Lipa City, Batangas
3. Naga City, Camarines Sur

Sa Visayas:
1. Northern Cebu City
2. Southern Cebu City
3. Tacloban City, Leyte

Sa Mindanao:
1. Cagayan de Oro City
2. Davao City
3. Zamboanga City

Binigyan diin ni Caguioa na ang
pagpili o pagtatalaga sa
exam venue site ng kandidato ay prinoproseso ng “first come, first served basis”.

Ang mga aplikante na makapagsusumite ng applications at nakabayad na ng Bar fees ay maaring italaga sa naunang batch na maaring pumili ng venue na maaring mag-exam.

Ang bar exams ay nalatakdang idaos sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20. Teresa Tavares