Teves, bumaba na sa pwesto

Teves, bumaba na sa pwesto

October 12, 2022 @ 7:21 AM 2 months ago


DUMAGUETE CITY –NAGKUSANG bumaba sa kanyang pwesto si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves matapos ang tatlong buwan makikipaglaban sa kanyang pagka-panalo laban sa bagong halal na gobernador na si Gov. Roel Degamo, kahapon ng hapon.

Bago lisanin ang kapitolyo, humarap sa kanyang mga support si Teves at nagpasalamat sa suportang ibinigay sa kanya subalit nagbitaw pa rin ito ng salita na “it is not yet over”.

Dismayado rin si Teves sa naging desisyonng mataas na tribunal dahil hindi binigyan ng aksyon ang kanyang petisyon na temporary restraining order (TRO) sa pigilan ang pagpapatupad ng Commission on Elections (Comelec) en banc ruling at ipawalang-bisa ang pagkapanalo nito pabor kay Degamo.

Ang dating gobernador ay nakakuha ng botong 301,319 habang si Degamo ay nakakuha ng 331,72 na boto matapos ilipat ang ilang boto mula sa nuisance candidate na si Ruel Degamo.

Maging si Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ay inatasan si Regional Director Leocadio Trovela and Provincial Director Farah Gentuya na iproklama si Degamo bilang bagong gobernador ng nasabing lalawigan alinsunod sa Comelec en banc writ of execution.

Ang aksyon ni Teves ay kasunod nang pagkabigo nitong makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Supreme Court (SC).

Pinagbigyan din ng Korte Suprema ang kahilingan ng Solicitor General na mabigyan pa ng karagdagang 30 araw para maghain ng komento sa kaso.

“The Court also granted the motion for additional time to file consolidated comment filed by the Office of the Solicitor General for the Commission on Elections (COMELEC) for a period of 30,”.

Magugunita na idineklara ng Comelec si Degamo bilang tunay na nanalo sa May 2022 elections matapos ipawalang bisa at ng Comelec ang mga botong nakuha ng nuisance candidate na si Grego Gaudia, na gumamit din ng pangalan na “Ruel Degamo”.

Isinalin kay Roel Degamo ang mga boto na nakuha ni Ruel Degamo. Maryann Sapico/Teresa Tavares