Teves gustong makausap si Remulla sa Degamo slay

Teves gustong makausap si Remulla sa Degamo slay

March 17, 2023 @ 11:07 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nais umanong makipag-ugnayan ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo Teves sa Department of Justice.

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tinawagan ni Teves kahapon, Marso 16 ang magkapareho nilang kaibigan upang makausap na ang kalihim kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Hindi lamang natuloy ang pakikipag-usap dahil naging abala si Remulla sa mga trabaho nito.

Iginiit ni Remulla na hindi maiiwasan ni Teves na sa mga darating na araw ay ipapatawag rin siya ng DOJ upang magbigay-linaw sa Degamo slay case.

Naniniwala si Remulla na sa patuloy na pagtanggi ng kongresista na bumalik ng bansa ay indikasyon ito ng posibleng pagkakasala.

ā€œThere is a legal adage, flight is an indication of guilt,ā€ ani Remulla.

Samantala, ngayon na nailibing na si Degamo, may mga ipinatawag na ang DOJ na mga tao na pupunta sa darating na linggo upang kausapin tungkol sa mga pangyayari sa Negros Oriental sa mga nakaraang taon. Teresa Tavares