Teves humirit ng 2 buwang leave

Teves humirit ng 2 buwang leave

March 16, 2023 @ 7:56 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Dahil sa malaking banta sa kanyang kaligtasan at sa kanyang buong pamilya, humingi ng dalawang buwang leave of absence sa Kamara si Negros Oriental Rep Arnie Teves.

“The undersigned, Representative of the Third District of Negros Oriental, humbly plea and request that he be granted a two-month leave of absence due to very grave security threat to his life and his family, to be reckoned from March 9, 2023,” nakasaad sa liham ni Teves kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa nasabing liham sinabi ni Teves na babalik ito agad upang harapin ang alegasyon laban sa kanya subalit kailangan muna nyang tiyakin ang kanyang kaligtasan.

“Rest assured that he will come back as soon as the threat will be dealt with accordingly under our law laws, and with the aid of the government. Thank you for your kind attention,” nakasaad pa sa liham.

Ang liham ni Teves ay may petsang Marso 9, ito ay limang araw matapos atasan ng House Ethics Committee ang kongresista na magpaliwanag kung bakit hindi pa ito bumabalik ng bansa gayong paso na ang kanyang travel authority.

Sa panig ni House Majority Leader Mannix Dalipe sinabi nito na nasa House Ethics Committee na ang desisyon kung ano ang gagawin kay Teves.

Si Teves ay tinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov Roel Degamo, itinaggi naman it ng kongresista sa pagsasabing walang dahilan para gawin nya ito sa gobernador. Gail Mendoza