Teves, ‘innocent until proven guilty’ – Padilla

Teves, ‘innocent until proven guilty’ – Padilla

March 18, 2023 @ 3:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa ilalim ng Konstitusyon, itinuturing si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na “innocent until proven guilty”.

Binanggit ni Senator Robinhood C. Padilla ang constitutional provision nito sa payo niya kay Teves na umuwi na at harapin ang kaso hinggil sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong March 4.

“Alam nyo ako nangyari din sa akin yan sa experience ko nang lumabas ang aking warrant of arrest,’’ pahayag ng senador.

“Nagtago din ako 1.5 buwan umakyat pa ako ng bundok bago ko na-realize kailangan kong harapin kung anuman ang kaso,’’ dagdag niya.

“So sa ngayon inosente pa siya, di pa dumaan sa hearing o paglilitis. Kaya sa ngayon ibigay natin sa kaya na siya ay inosente pa,’’ giit pa niya.

Nakulong si Padilla sa kasong illegal possession of firearms noong 1994 subalit pinalaya makalipas ang apat na taon dahil sa pardon na iginawad ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Nakipagkita si House Speaker Martin Romualdez kay Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, kung saan binigyang-diin ang hiling na umuwi na si Teves sa bansa.

Naiulat na sumailalim si Teves sa stem cell treatment sa US. RNT/SA