Teves pinauuwi na ni Revilla sa Pinas, akusasyon sa Degamo slay harapin!

Teves pinauuwi na ni Revilla sa Pinas, akusasyon sa Degamo slay harapin!

March 10, 2023 @ 5:33 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. si
Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves na umuwi na sa bansa at harapin ang mga akusasyon at pagdawit sa kanya sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Si Teves ay kasalukuyang nasa Estados Unidos, at ikinanta ng mga naarestong suspek sa pagpatay kay Degamo bilang mastermind dito.

“Kailangan niyang bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyon. That is just the most prudent and right thing to do lalo na at isa siyang halal na opisyal. Linisin niya ang kanyang pangalan kung talagang wala siyang kinalaman,” pahayag ni Revilla.

“Flight is an indication of guilt at kung wala siyang kinalaman, hindi niya gugustuhin na ganun ang mangyari,” he explained,” dagdag niya.

Pagpapatuloy, nanawagan din si Revilla sa iba pang mga suspek na sumuko na lalo pa’t mahigpit na tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang isyu.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang apat na suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Matatandaan na noong Marso 4 ay pinagbabaril-patay si Degamo at walo iba pang indibidwal habang namamahagi ng ayuda sa mga residente nito sa harap ng kanyang bahay sa Pamplona, Negros Oriental. RNT/JGC