Teves tuloy sa panunungkulan bilang NegOr gov

Teves tuloy sa panunungkulan bilang NegOr gov

October 6, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matapos madiskwalipaika ng Commission on Elections, sinabi ni Pryde Henry Teves na patuloy siyang manunungkulan bilang gobernador ng Negros Oriental.

Ito ay dahil wala pang desisyon ang Supreme Court (SC) sa kanyang Temporary Restraining Order (TRO) na tumututol sa pagpapawalang-bisa sa kanyang proklamasyon.

“Sa sandaling ito, ako ang inyong gobernador. Wala pang order na i-uninstall o unseated ako (mula sa posisyon ko ngayon),” ani Teves sa kanyang regular weekly press briefing sa Kapitolyo.

Sinabi niya na nakausap niya si Department of the Interior and Local Government (DILG-7) Director Leocadio Trovela noong Martes ng gabi at nalaman niyang wala rin silang utos na tanggalin siya sa pwesto at “nalilito pa sila kung paano i-interpret” ang kopya ng writ of execution ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang nagbigay sa kanila.

Sa ilalim ng desisyon ng Comelec en banc na may petsang Setyembre 27 pinawalang-bisa nito ang  pagkapanalo ni Teves sa halalan noong Mayo 9 matapos ang kanyang pinakamalapit na karibal na kandidato, na si Roel Degamo, ay madagdagan ng boto bunsod ng isang nuisance candidate.

Si De Gamo, sa katunayan, ay nangako na sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang panunungkulan.

Naghain ng TRO ang kampo ni Teves sa Korte Suprema na tumututol sa pagpapawalang bisa ng kanyang proklamasyon.

Inaasahang gagawa ng desisyon ang SC sa Oktubre 11, na sinabi ni Teves na igagalang niya, hindi alintana kung pabor ito sa kanya o hindi. RNT