Teves, tuloy-serbisyo sa Negrosanon

Teves, tuloy-serbisyo sa Negrosanon

October 11, 2022 @ 11:19 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – SA kabila ng sitwasyon na dinulot ng natalong dating governor na si Roel Degamo, patuloy ang aruga ni Gov. Teves sa mga kababayan.

Patuloy sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin ang gobernador ng Negros Oriental para hindi maipit ang mga kababayan sa nasabing isyu.

Ayon dito, prioridad niya ngayon na patuloy gawaran ng pagmamahal ng isang ama ang mga Negrosanon, bagay na kinatuwa ng mga kababayan nito.

Sa ngayon, patuloy inaayos ni Gov. Teves ang ilang mahahalagang proyekto nito, tulad modernong hospital, upang maging maayos ang kalusugan ng mga kababayan nito, ayon sa opisina ni Gov. Teves.

Samantala, ayaw lisanin ng mga supporters nito ang paligid ng Kapitolyo sa panggamba na may gawing marahas ang katunggali ng kanilang gobernador. RNT