Texas shooting ikinalungkot ng Santo Papa; arms trade kinondena

Texas shooting ikinalungkot ng Santo Papa; arms trade kinondena

May 26, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pope Francis na nadurog ang kanyang puso sa naganap na pamamaril sa elementary school sa Texas kung saan 19 bata ang nasawi at dalawang guro.

“I am left heartbroken by the massacre in the elementary school in Texas. I pray for the children, for the adults killed and for their families,” anang Santo Papa kasunod ng kanyang weekly general audience.

Pahayag ng Santo Papa, panahon na para sabihing sapat na Ang walang pinipiling arms trafficking

“It is time to say enough to indiscriminate arms trafficking. Let us all commit to ensuring such tragedies can no longer take place.”sabi ng Santo Papa.

Ang pag-atake sa Uvalde, isang maliit na komunidad halos isang oras mula sa hangganan ng Mexico, ay ang pinakamarahas at deadliest US school shooting sa mga nagdaang taon, at ang pinakabago sa isang pagsasaya ng madugong karahasan ng baril sa buong Amerika.

Mahigit dosenang bata rin ang nasugatan sa pag-atake sa paaralan, na nagtuturo ng higit sa 500, karamihan ay mga Hispanic at mga estudyanteng mahihirap sa ekonomiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden