Text scam isumbong – NTC

Text scam isumbong – NTC

September 19, 2022 @ 1:51 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na isumbong ang mga natatanggap na scam text messages.

Maaari umanong magreklamo sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected] at ilagay ang kanilang kumpletong pangalan, address, email at contact number.

Maliban sa mahahalagang impormasyon ay isama rin umano sa ipadadalang email ay ang screenshot ng text scam message, numero ng nagpadala ng mensahe at larawan ng kahit anong government-issued ID.

“Your personal data will be kept strictly confidential in accordance with the Data Privacy Act,” pahayag ng NTC.

Maliban sa pagpapadala ng email ay maaari rin umanong bumisita sa website ng ahensya upang magpasa ng complaint form. RNT/JGC