Text scam sa trabaho abroad ibinabala ng POEA

Text scam sa trabaho abroad ibinabala ng POEA

June 28, 2022 @ 10:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) nitong Lunes ang mga naghahanap ng trabaho na huwag mahulog sa mga text message scam na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.

Sa ulat ng “24 Oras”, sinabi ni POEA Administrator Bernardo Olalia na magpapadala ang mga scammer ng mga mensahe hindi lamang sa pamamagitan ng text kundi maging sa online platforms.

Sinabi  ni Olalia na maging siya ay nakatanggap  ng text message na nag-aalok sa kanya ng trabaho sa POEA.

Kaya naman pinaalalahanan niya ang publiko na mayroong tamang proseso ng aplikasyon para sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga Pilipino na huwag buksan ang mga link na nakakabit sa mga mensahe

Hinimok din nito ang lahat na agad ireport ang anumang scam messages sa POEA. Jocelyn Tabangcura-Domenden