Text scams naglalaman na ng pangalan ng subscriber; publiko binalaan

Text scams naglalaman na ng pangalan ng subscriber; publiko binalaan

August 31, 2022 @ 7:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nananatiling laganap ang scam text messages at ilan sa mga ito ang naglalaman ng pangalan ng subscribers, ayon sa ulat.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad at eksperto ang puliko na huwag mag- “overshare” ng personal na impormasyon online at maging maingat sa pagtugon sa scam texts.

Sinabi ni Art Samaniego, isang cyber security expert, na nakukuha ng scammers ang personal na impormasyon ng subscribers sa pamamagitan ng data breaches na ibinebenta sa dark web.

“Eto yung mga ginagamit nila na information ngayon, so natutugma na nila yung number at meron nang pangalan na kasunod,” aniya.

“Ang mga scammers, fraudsters, they send out messages in bulk, so random siya, whoever gets affected o who would respond, ‘yun ang nagiging victim,” ayon naman kay Police Lieutenant Michelle Sabino, pinuno ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Sinabi pa ng police officials na hangga’t walang batas sa rehistrasyon ng SIM cards sa bansa, mahihirapan ng mga imbestigador dahil gumagamit ang scammers ng prepaid cards.

“Even if we get the warrant to disclose computer data, magiging dead end because we wouldn’t have the information and we need the identity of the person bago kami makapag-file ng case sa court.” RNT/SA