TF Disiplina itinatag sa Silang vs pasaway na 4Ps beneficiaries

TF Disiplina itinatag sa Silang vs pasaway na 4Ps beneficiaries

July 22, 2022 @ 7:26 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Silang Mayor Anarna ang pagbuo ng task force para magmonitor at mag-ulat ng mga pasaway na benepisyaryo ng 4Ps

Inilabas ni Silang, Cavite Mayor Kevin Anarna ang Executive Order No. 10, Series of 2022 nitong Huwebes, Hulyo 21, 2022 na lumikha ng task force na tutulong sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pagsubaybay at pag-uulat ng mga maling benepisyaryo ng 4Ps.

“This task force will help the MSWDO in monitoring and reporting violators like those who use the money they receive from the 4Ps in financing their vices such as gambling and drinking alcohol,” sabi ni Mayor Anarna.

Ang Task Force Disiplina sa 4Ps (TFD-4Ps) ay pinamumunuan ng Municipal Social Welfare and Development Officer, kasama ang Local Chief of Police at ang Presidente ng Association of Barangay Captains bilang miyembro.

“This is in response to the efforts of the National Government, thru the DSWD, to clean up the list of 4Ps beneficiaries, get rid of all the violators and free up slots for more deserving families,” paliwanag pa ng alkalde.

Ang TFD-4Ps ay itinatag para gampanan ang mga sumusunod na trabaho:

1. Upang pangasiwaan ang pagsunod ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa mga kondisyon ng Programa;
2. Mag-isyu ng mga patnubay para sa pagsubaybay sa pagsunod ng mga benepisyaryo ng 4Ps;
3. Upang iulat ang mga paglabag at gumawa ng mga rekomendasyon doon sa ilalim ng mekanismo ng pagtugon sa reklamo ng Programa; at
4. Iba pang mga gawain na maaaring italaga ng Munisipal na Alkalde.

Iuulat ng MSWDO sa DSWD Regional Office ang mga paglabag, tulad ng pagsangla ng cash card, pagsusugal at pag-inom ng alak. Hinihikayat din ang mga residente na iulat sa task force at sa MSWD ang mga paglabag ng mga benepisyaryo na may kasamang ebidensya para sa validation at agarang aksyon. RNT