Thailand kampeon sa Suzuki Cup

Thailand kampeon sa Suzuki Cup

January 2, 2022 @ 8:56 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ng Thailand ang kanilang pang-anim na titulo sa Southeast Asia matapos mauwi sa tabla (2-2) ang laban kontra Indonesia sa ikalawang  leg ng Suzuki Cup noong Sabado para makuha ng War Elephants ang matinding 6-2 aggregate win.

Sa unang leg, nanguna sa panalo an ng War Elephants sa iskor na 4-0.

Nagkaroon pa ng kaunting pangamba sa 2nd leg ang Thailand  matapos unang makaiskor si Ricky Kambuaya ng Indonesia sa tiyempong pitong minuto sa larong ginanap sa Singapore National Stadium.

Nabigyan ang Indonesia, na hindi pa nakapapanalo ng  titulo at nakapasok sa ika-anim na finals,  ng kaungting pag-asa nang malusutan ang  goal keeper ng Thailand na si Siwarak Tedsungnoen para makauna sila sa putos.

Pero agad ding nawala ang pag-asa ng umarangkada na ang team ni coach Shin Tae-yong at umiskor si Adisak Kraisorn para itabla ang iskor at isang puntos pa mula kay Sarach Yooyen para makuha ng Thai ang kalamangan.

Ang panablang puntos ni Adisak ay pumasok bago matapos ang halftime.

Nabawi ng Thailand ang tropeo sa unang pagkakataon mula nang talunin ang Indonesia noong 2016 final. Nanalo rin sila noong 1996, 2000, 2002 at 2014.

Ang kompetisyon, na ipinagpaliban dahil sa pandemya ng COVID-19, ay ginawa sa isang centralized competition sa isang biosecure bubble sa Singapore.Rico Navarro