Thailand maniningil na ng $9 visitor fee

Thailand maniningil na ng $9 visitor fee

January 13, 2022 @ 7:10 AM 7 months ago


BANGKOK, Thailand — Maniningil na ang Thailand ng $9 entry fee sa bawat dayuhang bibisita sa kanilang bansa simula Abril, ayon sa opisyal.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagpapalakas muli ng bansa sa sektor ng turismo na lubos na naapektuhan ng pandemya.

Bago ang pandemya ay nasa 40 milyong turista ang bumisita sa Kingdom.

Ang nasabing 300 baht na entry fee ay isasama na sa airfares, paglilinaw pa ni government spokesman Thanakorn Wangboonkongchana sa pahayag.

Gagamitin ang nasabing entry fee para mas palakasin at gawing mas ‘sustainable’ ang turismo sa bansa.

“Revenues will be used for foreign tourists’ insurance coverage and infrastructure improvement for sustainable tourism,” ani Tourism Authority of Thailand governor Yuthasak Supasorn sa AFP.

Sa pagtatayang Ministry of Tourism and Sports papatak sa $39 billion to $54 billion ang tourism revenues ngayong taon, kung saan $24 billion ay inaasahang manggagaling sa foreign travelers.

Nasa limang milyong dayuhang turista ang inaasahang bibisita sa Thailand sa 2022, pero maaaring umabot ito sa 15 milyon kung gaganda ang arrivals mula Tsina, India, at iba pang katabing bansa.

Bago ang pandemya, nakapagtatala ng 40 milyong bisita ang Thailand kada taon.

Sa ngayon, pinatutupad ng bansa ang sandbox scheme sa mga turistang fully vaccinated.

Sa ilalim nito, ang mga nasabing turista ay pitong araw na mananatili sa sandbox o isang lugar na pasyalan at hindi pwedeng umalis doon.

Kapag nagnegatibo sila sa COVID-19 test ay saka lang sila maaaring makabyahe kahit saan man sa bansa.

Para naman sa hindi bakunado, kailangan nilang magkwarantin ng 10 hanggang 14 araw. RNT