Thailand, may 10M tourist visitors na sa 2022!

Thailand, may 10M tourist visitors na sa 2022!

December 11, 2022 @ 10:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ng bansang Thailand ang ika-19 milyon na international visitors nito para sa 2022.

Ito ang inanunsyo ng tourism authority ng bansa nitong Sabado, Disyembre 10 kasabay ng pagbangon ng bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Noong 2019, sinalubong ng Thailand ang nasa 40 milyon turista ngunit kapansin-pansin na bumagsak sa pagtama ng pandemya.

Inaasahan na aabot sa $16 bilyon ang kita ng bansa sa turismo ngayong taon.

Nitong Sabado, sinalubong ng traditional dancers at drummers sa Suvarnabhumi International Airport ang mga pasahero ng Saudi Arabian Airlines flight na hudyat ng ika-10 milyon mga turista nito.

“The sky is open,” sinabi ni Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha.

“We would like to build confidence that Thailand is still one of the (top) tourist destinations of people around the world.” RNT/JGC