Thailand pinasok na ng bagong COVID variant na Omicron XE

Thailand pinasok na ng bagong COVID variant na Omicron XE

April 4, 2022 @ 6:45 AM 3 months ago


Thailand – Naitala sa Thailand ang unang kaso ng Omicron XE, sinabi ni vice-chairman ng Public Health Commission na si Chalermchai Boonyaleephan noong Sabado.

Sa Center for Medical Genomics, Ramathibodi Hospital, naitala ang nasabing kaso ngunit gumaling rin ang indbidwal na nahawaan nito pagkatapos magkaroon ng banayad na sintomas, sinabi ni Chalermachai sa isang Blockdit post.

Aniya pa na palagay niya na ang bagong variant ng virus ay kakalat na ngayon sa Thailand.

Giit pa ni Chalermachai na kinakailangang pag-aralan ang nasabing variant at ang bisa ng mga bakuna laban dito, maging kung mapapalitan pa nito ang Omicron BA.2 bilang nangingibabaw na strain.

Sa pagtataya ng World Health Organization (WHO) na ang XE ay 10 porsiyentong mas madaling naililipat kaysa sa BA.2. Ang kalubhaan ng bagong strain ay iniimbestigahan pa.

Sinabi pa ni Chalermachai na papangalanan ng WHO ang Omicron XE na “Pi” at idedeklara itong isang bagong variant ng Covid-19 kung ito ay nagpapakita ng mga makabuluhang pagbabago, tulad ng pagkalat, kalubhaan at paglaban sa mga bakuna.

Ang XE ay isang recombinant na variant, ibig sabihin, isa itong hybrid ng dalawang iba pang strain – sa kasong ito, naghalo ang orihinal na BA.1 Omicron na variant at ang BA.2.

Ang XE ay unang na-detect sa UK noong Enero 19 at na-infect ang 637 na pasyente doon hanggang Marso 19, ayon sa ulat ng WHO noong Sabado.

“According to initial estimates, Omicron XE spreads 43 percent faster than the original variant and 10 percent faster than BA.2 subvariant,” giit ni Chalermachai.

“Following the discovery, many countries are now monitoring the new Covid-19 variant closely as it will likely become the dominant strain.” RNT