Kinikilalang bayani ngayon si Saman Gunan, dating first class officer ng Thai Navy Seal dahil pag-alay nito ng kanyang buhay para mailigtas ang 12 soccer players at ang coach na na-trap sa loob ng isang kweba sa Thailand.
Pero bago kinilala bilang isang bayani ang 38-year-old na volunteer, narito ang limang bagay na nakalap ng Remate News Team tungkol sa kanya:
- Mapagmahal na anak at asawa
“In other people’s eyes, he’s lovely. For me I love him so much, I really love him.” Ito ang tanging nasambit ng asawa ni Saman na si Waleeporn Gunan.
Kwento ni Gunan, mapagmahal na asawa ito at sobrang sweet nito sa kanya.“Every day before he left for work we said we loved each other.”
Bukod dito, naging mapagmahal na anak din ito sa kanyang ama na si Wichai Gunan na sobrang proud sa kanya.
Si Saman ay ipinanganak noong 1980 at tubong Thailand.
- Likas na matulungin
Inalala ng asawa ni Gunan ang hilig nitong tumulong sa ibang tao at pagsali sa mga charity work.
“He’s been praised as a hero because of who he was,” saad pa nito.
At nito nga lang July 6 ay binawian ng buhay ang matulunging officer sa kalagitnaan ng paghahatid ng oxygen tanks sa mga na-trap na soccer players at coach sa Tham Luang cave sa Thailand.
Bago pa man tumulak si Gunan patungong Chiang Rai ay may video pa ito kung saan sinabi nitong gusto niyang tumulong para mapauwi na ang mga soccer team.
“See you at Tham Luang in Chiang Rai. May good luck be on our side to bring the boys back home,” sabi nito sa video.
- Adventurous na tao
Kinikilalang mahilig sa mga extreme sports itong si Gunan ng kanyang mga dating katrabaho sa SEALs.
Sa isang Facebook page, ibnahagi nila na mahilig sa cycling at katunayan ay triathlete pa itong si Gunan.
- Dedikado sa kanyang tungkulin
Nagtrabaho bilang isang Thailand Elite Navy Seal Unit member o kilala bilang Thai Navy SEALs, Former Navy Underwater Demolition Assaukt Unit member, at Airport Security Officer si Gunan.
Ayon sa kanyang mga katrabaho, kahit hindi na ito parte ng kanilang organisasyon ay hindi nawala ang koneksiyon nito sa kanila.
“Even the last part of his life, 1st Petty Officer Saman left us and this world while working with the SEAL brothers who are also trying to go forward and complete the mission as planned,” paglalarawan ng SEAL kay Gunan.
- Bayani ng Tham Luang Cave
Namatay si Saman dahil sa kanyang kadakilaan at kagustuhan na matulungan ang mga na-trap sa loob ng kweba, habang nagbibigay ito ng oxygen sa mga na-trap sa loob.
“You are the hero in my heart”, mensahe ng asawa nito sa kabila ng maagang pangungulila.
“Saman once said we never knew when we would die, we can’t control that, so we need to cherish every day,” dagdag pa nito.
Ang kanyang ama naman ay proud sa kadakilang kanyang nagawa ngunit malungkot din ito dahil sa pagkawala nito, “Daddy loves you,” sabi ng kanyang ama.
“His determination and good intention will always be in the heart of all SEAL brothers. Today, you get some good rest. We will complete the mission for you,” mensahe naman ng kanyang mga katrabaho. (Remate News Team)