Kakaiba talaga ang dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.
Noong mismong araw ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE, nagkagulo sa Kongreso ng Mababang Kapulungan, sa huli, siya ay ginawang bagong Speaker of the House of Representatives!
Mahigit isang oras bago natuloy ang SONA ni Pangulong DUTERTE dahil inayos muna ang gusot sa pagitan nina dating Speaker Pantaleon Alvarez at bagong Speaker GMA.
Sa huli, hinayaan muna na tumayo si Speaker Pantaleon bilang huling sandal ng kanyang liderato sa Kamara.
Speaker GMA is really a quiet lady.
She never talks of anything but deep inside her, she is tough and prepared to face any challenge fronting her.
Meek like a sheep but robust too strong when attacking a challenge.
Yes, a clear picture of a genuine IRON LADY. She’s SGMA!
Kaya nga ngayon ay pahinga si Pangulong RODY sa anomang klase ng atakeng pulitikal, eh.
Lahat halos ay nakatuon kay SGMA ang atake ng mga dati at bagong oposisyong pulitikal.
Matindi rin ang banat sa kanya ni Senadora Grace Poe na kung hindi raw mag-iingat ang lahat, babalik si SGMA bilang lider ng bansa na Prime Minister?
Magdilang anghel kaya si Grace?
Isa lang ang sagot ni Arroyo sa lahat ng tanong tungkol sa kanyang bagong papel sa Kamara.
Isusulong niya ang lahat ng agenda ni Pangulong DIGONG.
At kung mangyayari iyan, aba, happy ang Pangulo para sa bayan.
Si Arroyo ay pinanday ng kanyang talino. Alalahanin na noong 2003-2008, winasak ng krisis ang mundo sa ekonomiya pero ang Pilipinas ay naigiya niya sa tamang direksyon.
Oo may mga bintang at alegasyon ng katiwalian at korapsyon sa kanyang administrasyon na normal naman sa lahat ng namuno sa gobyerno.
Ang masakit, matapos ang kanyang termino ay hiniya siya ng rehimeng pumalit, ng rehimen ni Noynoy Aquino.
Papaalis na para magpagamot ay hinabol siya ni dating Justice Secretary Leila Delima, kinasuhan at ipinakulong.
Wala tayo narinig kahit isang hinaing. Limang taon.
Walang himutok. Walang panunumbat.
Pagdating ni Pangulong DUTERTE, siya ay pinalaya at bawat kaso ay naibasura.
Sa panahon na iyon ay naupo siya bilang kongresista ng Pampanga.
Kahit nakakulong, nangunguna at makulay ang kanyang mga panukalang batas.
Ngayon, House Speaker si GMA.
Walang duda, maaayos ang Kamara ng kinikilala natin bilang IRON LADY!
-BALETODO NI ED VERZOLA