The Kissing Booth 2, mapapanood na sa Hulyo 4 sa Netflix

The Kissing Booth 2, mapapanood na sa Hulyo 4 sa Netflix

May 22, 2020 @ 8:19 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

US – Mapapanood na ang “The Kissing Booth 2” sa Hulyo 24.

Kinumpirma ni Joey King, na gumaganap na si Elle Evans, ang petsa sa isang video at ibinahagi pa ang ilang trivia tungkol sa pelikula.

Natawagan din sa video si Joel Courtney, na gumaganap na best friend ni Elle na si Lee Flynn.

Tungkol ang sequel sa love story nila Elle at ng “reformed” bad boy na si Noah Flynn. Bumalik si Elle sa kanyang paaralan para sa senior year nito habang patungo naman sa Harvard ang nobyo nito.

Nanganib ang relasyon nila nang mapalapit si Elle sa gwapong kaklase nito na si Marco, at naging kaibigan naman ni Noah ang isang “seemingly-perfect college girl.”

Mapapanood ang “The Kissing Booth 2” sa Netflix sa Hulyo 4. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...