“The PURGE 4”, inaabangan na

“The PURGE 4”, inaabangan na

June 29, 2018 @ 11:39 AM 4 years ago


Malapit nang ipalabas ng Universal Pictures ang “The First PURGE: a nation reborn” o ang “The PURGE 4”.

Ang  purge ay ang  pagiging ligal ng anomang krimen tulad ng rape at murder sa loob ng 12 hours para mabawasan ang populasyon ng tao sa mundo.

Sa direksiyon at panunulat ng primyadong direktor/writer ng mga action movie na si James DeMonaco katuwang si Gerard McMurray, ipapakita sa pinakabagong serye nito, na orhinal na pinamagatang “The Purge: Island”, ang unang experimental purge na ginanap sa “Island” bago ito gawin sa siyudad.

Pagbibidahan ito nina, Y’Lan Noel,Lex scott Davis,Jovian Wade, Lauren Velez and Marisa Tomei.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang  The first PURGE a nation reborn: July 4, 2018. (Remate News Team)