Therapist, 3 pa arestado sa iligal na droga

Therapist, 3 pa arestado sa iligal na droga

February 17, 2023 @ 6:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – ARESTADO ang apat kabilang ang isang babaeng Therapist matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Captain Elmer Antonio hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police District station 14 Holy Spirit ang mga dinakip na sina Jean Valerie Policarpio, alyas “Dre” 40, Therapist,biyuda,residente ng107 Interior3 Matandang Balara, QC, Jean Paul Cayanan,42,driver, binata ng 761 Interior Matandang Balara, QC, Patrick Paolo Lopez, 34, driver, binata, ng 80 Saint Anthony Street, Brgy.Inarawan,Antipolo City, at Dennis Bote , 41, mechanic, may-asawa, ng 13 Sta Felicia Street, San Antonio Homes, Brgy. Culiat, QC.

Ayon sa ulat ni Cpl. George Rimorin investigator nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Rosal Street, Pingkin 3 Brgy.Pasong Tamo,QCdakong 12:30 ng madaling araw kahapon Pebrero 16, 2023 (Huwebes).

Nabatid sa ulat ng Holy Spirit police station na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa isang alyas Dre (Jean Valerie Policarpio) matapos umanong makatanggap ng impormasyon sa pagkakasangkot ng nito sa ilegal na droga.

Sinabi pa sa ulat na isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer na nagpanggap na bibili ng P300.00 halaga ng shabu sa suspek na si alyas Dre.

Matapos iabot ang droga dito na dinakip ang suspek kasama ang tatlong kasamahan nito na hindi na nakapag pa.

Nakuha mula sa mga suspek ang may pitong piraso ng heat sealed small transparent plastic sachets na hinihinalang naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Santi Celario)