‘There is no journalism on social media’ – Locsin

‘There is no journalism on social media’ – Locsin

June 5, 2022 @ 11:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni outgoing Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang balita ay nananatiling “best consumed” sa traditional platforms, sabay sabing “there is no journalism on social media.”

Ang komento ng Kalihim ay tugon sa plano ng susunod na administrasyon na pagkalooban ng media access ang mga bloggers sa Malakanyang, isang pribilehiyo na ginagamit lamang ng conventional-media members.

“You guys used bloggers to do what bloggers do—when it was convenient and the targets were helpless to respond,” ang nakasulat sa Twitter post ni Locsin.

Sa ulat, sinabi ni incoming Press Secretary Trixie Angeles-Cruz, isang pro-administration blogger, na plano nilang iprayoridad ang accredidation ng mga bloggers para sa Palace events at presidential briefings.

Ang coverage para sa mga nasabing events ay limitado lamang sa broadcast, print, at mainstream-online journalists.

Binigyang diin ni Locsin na ang social media reporting ay iba sa broadcast, print, at mainstream-online journalists.

“Press freedom on social media does not involve the steep price of printing or broadcast, editors and reporters on regular pay and is cost-free self-indulgence with one hand—masturbation,” ayon kay Locsin.

Samantala, sinabi naman ni Deputy Presidential spokesperson Kris Ablan, na base sa 2017 directive, nananatiling pinapayagan nito ang mga social media personalities na maging accredited sa Malakanyang.

Ang mga indibiduwal na ito ay kailangan na 18 taong gulang at mayroong 5,000 social media followers.

Ang mga bloggers ay influencers ay mayroong mahalagang gampanin sa kampanya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring komento ang Malacañang Press Corps (MPC) sa bagay na ito hangga’t ang detalye ay hindi malinaw. Kris Jose