Thinking Pinoy blogger Nieto, naghain ng not guilty plea vs. libel case

Thinking Pinoy blogger Nieto, naghain ng not guilty plea vs. libel case

October 10, 2018 @ 4:34 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Not guilty.

Ito ang tugon ng “Thinking Pinoy” blogger na si Rey Joseph “RJ” Nieto kanina sa pagharap nito sa Pasay City Regional Trial Court kaugnay sa kasong libel na inihain laban sa kanya ni Senator Antonio Trillanes IV.

Sa sala ni Pasay RTC Branch 111 Judge Wilhelmina Wagan, not guilty plea ang itinugon ni Nieto sa isinagawang arraignment.

Una nang binigo ni Wagan ang hiling ng kampo ni Nieto na ipagpaliban ang nasabing arraignment sa dahilang magdudulot lamang ito ng pagbagal sa proseso ng pagdinig at maaantala ang desisyon.

Nag-ugat ang kaso nang ilabas sa social media ni Nieto noong Oktbure 2017 na tinawag umano ni US President Donald Trump si Senator Antonio Trillanes IV na isang “narco”, ang kilalang tawag sa mga drug lord o may kaugnayan sa ilegal na droga.

Una nang inamin ni Nieto sa nagdaang pre-trial na nagsusulat ito sa Thinking Pinoy, at siya ang nagponente at nag-upload na tumutukoy kay Tirllanes na isang ‘narco’,  saan ipinakalat o share ng 15,759 Facebook users at nakakuha ng 62,000 reactions.

Ayon kay Court Prosecutor Alan Mangabat, irereprisinta nila sa korte si Trillanes, at dalawang iba pang saksi.

Habang magma-manifest naman ang limang saksi ng kampo ni Nieto.

Sa Disyembre 5 at Enero 20 itinakda ang petsa ng mga susunod na pagdinig. Beth Dominguez