Thitikul  tinalo si Kang sa playoff ng NW Arkansas Championship

Thitikul  tinalo si Kang sa playoff ng NW Arkansas Championship

September 26, 2022 @ 4:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ni Atthaya  Thitikul ang kanyang pangalawang titulo ng season matapos talunin si Danielle Kang sa playoff para sa NW Arkansas Championship ngayong Lunes.

Ang 19-anyos na Thai ay nag-birdy sa ikalawang playoff hole, sa par-4 No. 16, upang angkinin ang titulo kontra sa American, isang dating Women’s PGA champion.

Nagsara si Thitikul na may 68 matapos ang mga naunang round ng 67-61. Nakakuha siya ng US$345,000 (mga P20 milyon).

Si Kang, na nag-shoot ng 67-65, ay pumwersa ng dagdag na mga butas na pinakamahusay na 64 na na-highlight ng eagle-three sa No. 18.

Si Yuka Saso, first-round co-leader at isang stroke off pace pagkatapos ng 36 holes, ay may final-round 76 na may double-bogey sa par-3 No. 15.

Bogey-free sa first-two rounds, nagtapos si Saso sa joint 32nd.

Ang Fil-Japanese golfer, nagwagi sa US Women’s Open noong 2021, ay nakakuha ng $15,048.JC