#Throwback feels sa bagong music video ng “Ni Yao De AI”,

#Throwback feels sa bagong music video ng “Ni Yao De AI”,

July 6, 2018 @ 5:50 PM 5 years ago


Nostalgic, ika nga para sa mga ‘Meteor Garden’ ang bagong labas na music video ng “Ni Yao De Ai” na kinanta muli ng original singer nitong si Penny Tai.

15 years na ang nakalilipas simula nang unang marinig ng F4 fans ang kantang ito, kaya naman super throwback  at kilig overload talaga ang dating nito kasabay ng nalalapit na ring paglabas muli ng pinakabagong serye ng Metero Garden 2018.

Pagbibidahan ito ni Shen Yue na gaganap bilang si Shan Cai habang ang heartthrob na grupo naman ay bubuuin ni Dylan Wang bilang si Dao Ming Si, Darren Chen bilang si Hua Ze Lei, Caesar Wu bilang si Mei Zuo at si Connor Leong bilang si Xi Men.

Magsisimula nang iere sa international television ang series sa July 9 habang hindi pa natutukoy kung kailan ito ipapalabas dito. (Remate News Team)