Throwback sweet pic nila ni Ella, isinapubliko ni Xian

Throwback sweet pic nila ni Ella, isinapubliko ni Xian

July 5, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Humataw na naman ang intermet peronality na si Xian Gaza nang naglabas siya ng pic kung saan ay kasama niya ang aktres na si Ella Cruz.

Bago nito ay may isang open letter din siyang ginawa para kay Ella tungkol sa kontrobersyal na “history is like tsismis” statement ng huli.

Sinabi ni Xian sa letter na na-miss niya si Ella at nirerespeto nito ang opinyon niya ngunit nagbigay siya ng halimbawa ng pagkakaiba ng history, tsismis at historical revisionism.

Ang history daw ay ang tungkol sa naging malapit nila ni Ella noong taong 2016, na bukod sa naging business partners ay naging matalik silang magkaibigan.

Ang tsismis daw ay ang lumabas na balitang ex-boyfriend siya ni Ella at ang ginawa niyang

halimbawa ng historical revisionism ay tungkol sa naging pahayag ng magulang ni Ella na stalker umano siya ng aktres

Pagkatapos nito ay nagpost si Xian ng picture na magkatabi sila ni Ella na may hawak na bouquet of roses at may picture pa ng Iphone na may nakasulat na “You are the apple of my eye….I love you.”

For sure, pagpi-fiestahan na naman ito ng mga Marites. Joey Sarmiento